Ngayong love month, inspiring makakita ng mga nagmamahalang couples, pero ibang usapan na pag mga gulay at karne ang nagmamahalan. Kaya naman nagpatupad ang gobyerno ng Price Ceiling sa presyo ng ilang produkto. Nakabuti ba ito o nakasama? Alamin sa episode na ito ng Usapang Econ Express na ipinaliwanag ni Renz Calub. Hatid sa inyo … Continue reading Nakasama o nakabuti ba ang ‘Price Ceiling’ ng gobyerno?
BSP governor: Sino ang pinakabagay sa posisyong ito?
Ni JC Punongbayan Noong nakaraang linggo iniluklok ni Pangulong Duterte si dating Budget Secretary Ben Diokno bilang bagong pinuno (governor) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Maraming nag-react sa balitang ito. Sa isang banda, may PhD naman si Diokno sa economics at mahabang panahon siyang nagsilbi sa gobyerno bilang budget secretary at propesor sa UP … Continue reading BSP governor: Sino ang pinakabagay sa posisyong ito?
National minimum wage, OK nga ba?
Ni Marianne Joy Vital Simula na naman ng pangangampanya, at ang mga kandidato ay may kanya-kanyang paliwanag ng mga plataporma. Halimbawa, sa pinakabagong senatorial debate ng CNN Philippines (#TheFilipinoVotes) maraming kandidato ang nagpanukalang magkaroon ng iisang minimum wage para sa buong bansa, o national minimum wage. Tandaan na ang minimum wage ang pinakamaliit na sahod … Continue reading National minimum wage, OK nga ba?
Fuel tax hike: bakit at para saan?
Ni Marianne Joy Vital Noong isang araw pumutok ang balitang inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang fuel tax hike o pagpatong ng karagdagang buwis sa mga produktong petrolyo. Para sa unleaded premium gasoline, mula P7 kada litro magiging P9 na ang buwis sa January 1, 2019. Para naman sa diesel fuel, mula P2.50 magiging P4.50 … Continue reading Fuel tax hike: bakit at para saan?
Dahil sa oil price rollbacks, bababa na ba ang inflation?
Ni Jefferson Arapoc Tila isang bangungot para sa mga mamimili ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Nito lamang buwan ng Oktubre, nakapagtala tayo ng pinakamataas na inflation rate sa loob ng higit siyam na taon. (BASAHIN: Inflation noong Oktubre, good news nga ba?) Isa sa mga itinuturong dahilan nito ay ang pagtaas … Continue reading Dahil sa oil price rollbacks, bababa na ba ang inflation?
Inflation noong Oktubre, good news nga ba?
Ni Rainier Ric B. de la Cruz Maugong ang balita kahapon ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tila yata humupa na ang pagtaas ng ating inflation rate. (Sinusukat ng inflation rate ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.) Base sa pinakabagong datos, nanatili sa 6.7% ang headline inflation rate noong Oktubre, katulad ng … Continue reading Inflation noong Oktubre, good news nga ba?
Wage hike, why not?
Isa sa mga napapanahong usapin ang posibleng pagtataas ng minimum wage, lalo na’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Barter trade, sagot nga ba sa lumalalang inflation?
Ni Jefferson Arapoc Ikinagulat ng maraming tao ang pagpapatupad ni Pangulong Duterte ng Executive Order No. 64, o ang kautusang naglalayong buhaying muli ang barter trade system sa Mindanao. Ayon mismo sa Pangulo, naniniwala siyang kaya nitong i-solve ang lumalalang inflation sa bansa. Maaari daw kasi nitong mapababa ang presyo ng mga pangunahing pagkain, gaya … Continue reading Barter trade, sagot nga ba sa lumalalang inflation?
Gubyerno, wala nga bang magagawa laban sa inflation?
Ni JC Punongbayan Sinabi ni Pangulong Duterte kahapon—habang pinararangalan ang bagong mga National Artist—na wala raw magagawa ang gubyerno para tugunan at labanan ang inflation. "I have assembled all of the talents available... low-key but brilliant minds. 'Yun ba namang inflation na 'yan, kung sa mga utak na 'yan hindi kaya, hindi talaga kaya eh. Wala, … Continue reading Gubyerno, wala nga bang magagawa laban sa inflation?
Inflation noong Setyembre 2018: Mga dapat mong malaman
Ni JC Punongbayan Heto ang mga dapat mong malaman tungkol sa inflation noong Setyembre 2018. (Hango ito sa aking naunang post sa Facebook.) (1) Sinusukat ng inflation rate ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihing kalimitang kinokonsumo ng isang pamilyang Pilipino. Naitala sa 6.7% ang inflation noong Setyembre 2018, pinakamataas sa loob ng 9.6 taon … Continue reading Inflation noong Setyembre 2018: Mga dapat mong malaman