Ayon kay Pangulong Duterte, maituturing na income ang GDP. Pero ano nga ba ang GDP? Kita, gastos, or both? At bakit importanteng talakayin ito sa panahon ng COVID-19? #UsapangEconExpress https://www.youtube.com/watch?v=w-2FqeNEjm8
Mabuti ba ang mababang inflation?
Ni JC Punongbayan | Ang inflation rate ang sumusukat sa bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kapag mataas ang inflation rate ay bumababa ang purchasing power natin. Ibig sabihin, mas kaunting produkto at serbisyo ang ating mabibili. Noong nakaraang taon ay tumaas ang inflation rate sa nakapataas na 6.7% noong Setyembre. Ito ang … Continue reading Mabuti ba ang mababang inflation?
Bakit saksakan ng bagal ang internet sa Pilipinas?
Ni JC Punongbayan Ang internet sa Pilipinas ang isa sa pinakamabagal sa rehiyong ASEAN. Sa katunayan, mas mabilis pa ang internet sa Cambodia, Laos, at Myanmar. Ayon sa Speedtest Global Index, noong Mayo 2019, pang-107 ang Pilipinas sa mga bansa sa mundo pagdating sa bilis ng mobile internet (15.1 Mbps) at fixed broadband (19.55 Mbps). … Continue reading Bakit saksakan ng bagal ang internet sa Pilipinas?
Kailangan ba natin ang pederalismo?
Ni JC Punongbayan Tapos na ang eleksiyon at balik trabaho na ang mga mambabatas. Tinukoy na ni Speaker Gloria Arroyo ang mga batas na nais nilang isulong sa Mababang Kapulungan, kasama ng Senado (Figure 1). Sa 12 na panukala, pang-11 ang “Resolution Proposing the Revision of the 1987 Constitution of the Republic of the Philippines.” … Continue reading Kailangan ba natin ang pederalismo?
BSP governor: Sino ang pinakabagay sa posisyong ito?
Ni JC Punongbayan Noong nakaraang linggo iniluklok ni Pangulong Duterte si dating Budget Secretary Ben Diokno bilang bagong pinuno (governor) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Maraming nag-react sa balitang ito. Sa isang banda, may PhD naman si Diokno sa economics at mahabang panahon siyang nagsilbi sa gobyerno bilang budget secretary at propesor sa UP … Continue reading BSP governor: Sino ang pinakabagay sa posisyong ito?
Bagong buwis sa langis, para saan nga ba?
Ni JC Punongbayan Bumungad sa atin ngayong New Year ang bagong buwis sa mga produktong petrolyo dahil sa TRAIN Law ni Pangulong Duterte (Tax Reform for Acceleration and Inclusion). Ang buwis ng unleaded gasoline, halimbawa, ay tataas mula P7 hanggang P9 kada litro. Samantalang P2.5 hanggang P5 kada litro naman ang itataas ng buwis para … Continue reading Bagong buwis sa langis, para saan nga ba?
Paano sinusukat ang isang ekonomiya?
Ni JC PunongbayanNoong isang araw ibinalita ko ang pagbagal ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas. (BASAHIN: Bakit bumabagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas?) Pero siguro mas magandang balikan muna natin: paano nga ba sinusukat ang isang ekonomiya? Gross domestic product Ang laki ng isang ekonomiya ay kalimitang sinusukat gamit ang gross domestic product o … Continue reading Paano sinusukat ang isang ekonomiya?
Bakit bumabagal ang paglago ng ekonomiya?
Ni JC Punongbayan Noong nakaraang Huwebes (ika-8 ng Nobyembre), ibinalita ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pinakabagong datos pagdating sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang laki ng ekonomiya ng Pilipinas ay sinusukat gamit ang gross domestic product (GDP), o ang halaga ng lahat ng produkto at serbisyong ginagawa sa isang ekonomiya sa loob ng isang quarter o … Continue reading Bakit bumabagal ang paglago ng ekonomiya?
Gubyerno, wala nga bang magagawa laban sa inflation?
Ni JC Punongbayan Sinabi ni Pangulong Duterte kahapon—habang pinararangalan ang bagong mga National Artist—na wala raw magagawa ang gubyerno para tugunan at labanan ang inflation. "I have assembled all of the talents available... low-key but brilliant minds. 'Yun ba namang inflation na 'yan, kung sa mga utak na 'yan hindi kaya, hindi talaga kaya eh. Wala, … Continue reading Gubyerno, wala nga bang magagawa laban sa inflation?
Pilipinas, magiging ‘upper-middle income’ na nga ba sa 2019?
Ni JC Punongbayan Kaliwa’t kanan ang problemang kinakaharap ng ekonomiya ng Pilipinas ngayon, lalo na ang tumataas na inflation o pagbulusok pataas ng mga presyo ng bilihin. (BASAHIN: Ano ang katotohanan sa inflation?) Ngunit sa kabila nito, pinagmalaki kamakailan ni Secretary Ernesto Pernia na magiging “upper-middle income” na bansa na raw ang Pilipinas sa susunod … Continue reading Pilipinas, magiging ‘upper-middle income’ na nga ba sa 2019?