anniv

Akalain niyo yun, isang taon na pala ang lumipas mula noong nilaunch namin ang Usapang Econ! Napakabilis ng panahon!

Unang-una, taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa aming team at tumangkilik sa Usapang Econ Blog.

Kung ating babalikan, nagsimula ang Usapang Econ noong kasagsagan ng pagkalat ng mga fake news tungkol sa nangyayari sa ating ekonomiya. Bilang mga triggered economist, naging layunin ng aming grupo na gawing mas accessible ang economics sa mas maraming tao sa pamamagitan ng aming blog.

Sa nagdaang taon, ano na nga ba ang nagawa ng aming blog?

Ngayon ang aming blog ay may 45 articles na, higit sa 70,300 views, at higit sa 43,500 visitors. 

Untitled

Ang top 10 articles namin ay patungkol sa iba’t ibang isyu na naging matunog sa mga balita at social media:

  1. Ano ang katotohanan sa inflation? (9/17/18)
  2. Mga dapat mong malaman tungkol sa ‘exchange rate’ (9/20/18)
  3. Pagbaba sa minimum age of criminal responsibility, solusyon nga ba sa lumalalang krimen (1/25/19)
  4. Bakit ba tayo nag-iimport ng bigas? (9/27/18)
  5. Pilipinas, magiging ‘upper-middle income’ na nga ba sa 2019? (10/8/18)
  6. Para saan ba ang Build, Build, Build? (10/15/18)
  7. Ano ang solusyon sa matinding traffic? (12/18/18)
  8. Lubog na nga ba sa utang ang Pilipinas? (10/29/18)
  9. Gubyerno, wala nga bang magagawa laban sa inflation? (1/25/19)
  10. Pagbaba ng unemployment at pagtaas ng underemployment: Nakakatuwa o nakakabahala? (10/11/18)

Nakakarating na rin ang Usapang Econ Blog sa maraming bansa tulad ng US, Australia, Singapore, Canada, at UK! (Biruin ninyo may paisa-isa rin kaming page views galing sa Nepal, Zambia, at Dominican Republic!)

Screen Shot 2019-09-16 at 1.58.10 PM

Bukod sa aming blog, inilunsad din namin noong August 21, 2019 ang Usapang Econ Podcast

Ito ang kauna-unahang economics podcast galing sa Pilipinas, at nagpapasalamat kami sa PumaPodcast Team, na pinamumunuan ni Sir Roby Alampay, sa pag-alok na iproduce ang podcast na ito. 

Sa ngayon ay may dalawang episodes na kaming maaari ninyong pakinggan sa iba’t ibang podcasting apps, tulad ng Spotify, Google Podcasts, Apple Podcasts, Anchor, at Stitcher. Nakalinya na rin ang susunod naming mga episode hinggil sa martial law, trapik, endo, tubig, edukasyon, Dutertismo, Kpop, atbp.! 

Screen Shot 2019-09-10 at 10.51.14 AM

Nagpapasalamat din kami sa lahat ng sumusubaybay sa amin sa iba’t ibang social media platforms. Ang aming Facebook page ay may mahigit 6,300 likes at 6,400 followers na, samantalang ang aming Twitter account ay may mahigit 1,600 followers na.

Untitled2

Ano ang kasunod?

Sa susunod na taon asahan ninyo ang mas marami pang Usapang Econ, sa aming blog, podcast, at social media accounts. Di tayo mauubusan ng pag-uusapan!

Pero hanggang ngayon kasi ang nagpapatakbo sa aming grupo ay pure passion. Para lubos naming maipagpatuloy ang misyon na palawakin ang pag-unawa at appreciation ng mga Pilipino sa economics, at para palakihin ang aming grupo ng writers at podcasters, nag-iisip rin kami ng mga paraan para pondohan ang Usapang Econ.

Siguro ay maaari namin itong magawa sa tulong ng crowdfunding o partnerships sa ibang mga grupo at organisasyon. Open din kami sa speaking engagements kung saan maaari nating pagusapan ang mga maiinit na economic issues face-to-face.

Kung may mga suggestion kayo, o kung nais ninyong makipag-partner o tumulong sa Usapang Econ, mag-email lamang sa usapangecon@gmail.com.

Muli, mula sa Usapang Econ Team, maraming, maraming salamat. Happy first!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s