Ni Marianne Joy Vital

maien

Tinalakay ko sa naunang article na ang tubig ay isang “private good” at hindi “public good.” (BASAHIN: Libre ba dapat ang tubig)

Ngunit dahil ang access sa malinis na tubig ay parte ng karapatang pantao at isa sa mga sukatan ng pag-unlad ng isang bansa, mahalaga ang papel ng gobyerno sa paghahatid ng serbisyong ito sa mga mamamayan.

Nabanggit ko rin na ang serbisyong tubig sa Metro Manila ay dating hawak ng gobyerno, at ito ay ang Metropolitan Waterworks and Sewage System (MWSS). Ngunit noong August 1997, na-privatize ang MWSS dahil sa krisis sa tubig noong 1990s.

Sa article na ito suriin natin: Nakabuti nga ba ang privatization ng tubig sa Metro Manila?

Ano ang rason para sa privatization?

Ang privatization ay ang paglilipat ng pagmamay-ari o kontrol ng asset ng gobyerno sa pribadong sektor.

Halimbawa nito ay ang serbisyong tubig ng MWSS. Bilang ahensya ng gobyerno, marami itong kinaharap na problema.

Una, ang bawat ahensya ng gobyerno ay may tinatawag na soft budget constraint. Ibig sabihin, kahit lumagpas sa budget ang paggastos ng ahensya ay maaari itong masalba ng gobyerno sa pamamagitan ng pagbubuwis ng mga mamamayan.

Taliwas ito sa pribadong sektor kung saan mas strikto sila sa pagsunod sa budget dahil hindi madaling humanap ng pera para sa dagdag gastos. Samakatuwid, meron silang hard budget constraint.

Dahil sa soft budget constraint, maraming ahensya ng gobyerno ang walang incentive na ayusin ang mga polisiya at pamamahala kahit mabaon ito sa utang. Ayon sa isang report, umabot sa $1 billion ang utang ng MWSS noong 1990s.

Ikalawa, dahil sa civil service rules, kahit di masyadong maganda ang performance ng mga opisyal o empleyado ay hindi sila madaling tanggalin sa pwesto. Di rin kasing dali kumuha ng mga expert o specialist.

Pangatlo, wala ring incentive na gumamit ng mga bagong teknolohiya para pababain ang gastos o pagbutihin ang operasyon.

Pang-apat, di rin flexible ang pagdedesisyon sa gobyerno taliwas sa pribadong sektor. Maraming mga regulasyon na kailangang sundin (tulad ng mga alituntunin ng COA o Commission on Audit) kaya mas maraming proseso at burokrasya.

Samantala, mas mabilis ang proseso ng pagdesisyon sa pribadong sektor dahil mas may kalayaan sa operation at pamamahala. Kabilang na dito ang pagkuha ng mga water experts, mas agarang pagtugon sa mga samu’t-saring problema ng walang pangamba sa mga regulasyon, at paggamit ng makabagong teknolohiya.  

Anong klaseng privatization ang nangyari?

Bagamat na-privatize ang serbisyong tubig, nanatili ang MWSS bilang ahensya ng gobyerno. Nagkaroon ito ng dalawang pangunahing responsibilidad: tagapamahala (regulator) at may-ari ng assets.

Nahati rin sa dalawang “private concessionaires” ang teritoryong sakop ng MWSS: Napunta sa Manila Water ang East Zone at ang sa Maynilad ang West Zone.

Bilang tagapamahala, sinisigurado ng MWSS na ang serbisyong tubig ay ayon sa mga regulasyon at kasunduan ng gobyerno at ng private concessionaires.

Nanatiling pagmamay-ari ng MWSS ang mga asset tulad ng water pipes, filtration plants, at mga dam. Magbabayad lamang ng concession fee ang private concessionaires sa paggamit nito.

Ang mga bagong imprastraktura na itatayo ng mga concessionaires ay manggaling sa sarili nilang kapital, ngunit ito rin ay ibibigay nila sa gobyerno pagkatapos ng kanilang kasunduan (o “concession agreement”).

Ayon sa isang report ng Asian Development Bank (ADB), meron pang tatlong bagay ang minana ng Manila Water at Maynilad.

Una, inako nila ang pagkakautang ng MWSS.

Ikalawa, ang lumang imprastraktura ay puno ng mga problema tulad ng leakages at mga ilegal na koneksyon, kaya naman mataas ang nasasayang na tubig (“non-revenue water” o NRW).

Ikatlo, ang drawings o sketches na nagbibigay ng detalye sa mga tubo at koneksyon ay mali-mali at luma na rin. Dahil dito, nahirapan ang mga kumpanya sa pagbubungkal at pagsasa-ayos ng mga tubo, lalo na sa West Zone, at naging mahirap din ang pagbawas sa NRW.

May maganda bang naidulot ang privatization?

May tatlong mahalagang pagbabago ang nakita dahil sa privatization mula 1998 hanggang 2008 (Table 1).

Una, tumaas ang access ng mga tao sa tubig. Mula 67% noong 1996, 79% na ang porsiyento ng populasyon ng Metro Manila na nagkaroon ng access sa tubig noong 2002.

Ikalawa, tumaas din ang reliability ng supply ng tubig. Noong 1997, on average, 17 oras bawat araw ang supply ng tubig. Noong 2002, naging 21 oras na ito.

Ikatlo, tumaas ang water quality na nakita sa pagbaba ng porsiyento ng coliform o mikrobyong maaaring magdulot ng sakit.

Ikaapat, napababa ang nasasayang na tubig (NRW).

 

West Zone East Zone
Before After Before After
24 oras access sa tubig 25% (1997) 99% (2008)
% coliform 5% (1997) 0.7% (2002) 7% (1997) 0.3% (2002)
Non-revenue water 67% (1997) 31.7% (2018) 63% (1997) 11.4% (2018)

Table 1. Pagbabago mula sa privatization

 

Ano ang mga naging problema?

Hindi pa ganap na nakakamit ang mga pangako ng privatization.

Una, patuloy ang pagtaas ng taripa o presyo ng tubig. Noong 1997, ang average taripa ay P4/cubic meter sa Manila Water at P7/ sa Maynilad. Noong 2008, umabot na sa P25/cubic meter sa Manila Water at P32/cubic meter.

Patuloy na tumataas ang presyo ng tubig dahil magastos mag-maintain ng mataas na kalidad ng tubig. Kailangang ginagamot ang tubig at sinisigurado ang kalinisan ng mga tubo. Kelangan ding bantayan ang pagnanakaw mula sa ilegal na koneksyon.

Ikalawa, may mga programang pangkomunidad ang mga kumpanya para sa mga mahihirap sa siyudad. Sa kabila nito, hindi pa rin tuluyang mabigyan ng malawakang access ang mga mahihirap dahil sa mataas na taripa at gastos sa pagkonekta.

Ikatlo, kamakailan ay nagkaroon tayo ng krisis sa tubig.

Sa madaling salita, hindi perpekto ang privatization. Marami pang hamon na kailangang solusyonan dito. Marami pa ring market failures sa sektor ng tubig na kailangang tutukan at tugunan ng gobyerno.

Written by Marianne Joy Vital

Marianne Joy Vital is a researcher in the areas of economics, sustainable development, and public policy. As an independent consultant, she has worked with international organizations, government agencies, think tanks and civil society groups. She took her undergraduate and master's studies in the University of the Philippines School of Economics.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s