Happy New Year mula sa Usapang Econ Blog! 🎉🎆
Sa kauna-unahan naming vlog, babalikan namin ang mga pinakamaiinit at pinakamalalaking balitang pang-ekonomiya ngayong 2018 tulad ng inflation, budget deficit, trapik, China, atbp.
Sana magustuhan ninyo ang 6-part video series na ito!
Issue Number 1: INFLATION
Una naming babalikan ang mataas na inflation rate ngayong 2018 na naramdaman sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ano nga ba ang sanhi nito, at ano ang mga hakbang para ibsan ito?
Issue Number 2: BUDGET DEFICIT
Ngayong taon ay naging maugong din ang mga balita kaugnay ng budget deficit ng gobyerno, na may kinalaman sa flagship economic projects ng administrasyon tulad ng TRAIN at Build, Build, Build. Ano nga ba ang lagay ng pananalapi ng gobyerno, at saan ito patungo?
Issue Number 3: TRAFFIC CONGESTION
Bumagal din ang usad ng 2018 dahil sa napatinding trapik, di lamang sa Maynila kung di pati sa ibang parte ng Pilipinas. Ano nga ba ang sanhi nito, at masosolusyonan pa ba ito?
Issue Number 4: CHINA
Ngayong taon patuloy ring lumalim ang ugnayang pang-ekonomiya sa pagitan ng Pilipinas at China. Mabuti ba ito o masama para sa Pilipinas? Mababaon nga ba tayo sa utang dahil rito?
2019 OUTLOOK
Sa last part ng aming vlog, tinutukoy namin ang mga isyung pang-ekonomiya na malamang ay magiging maugong sa 2019. Anu-ano nga ba ang mga isyung dapat tutukan? At ano ang mga dapat ninyong abangan mula sa Usapang Econ Team?