Skip to content

Ugnayang Pilipinas at Japan: Gaano nga ba kalalim?

Ni Rainier Ric B. de la Cruz

47107517_257159428289193_2260074209914912768_n

Nitong nakaraang dalawang linggo ay nagkaroon ako ng pagkakataong bumisita at makalibot sa Japan para dumalo at maglahad ng aking research sa ika-4 na Philippine Studies Conference in Japan (PSCJ) na ginanap sa Hiroshima University.

Sa kumperensyang ito, hindi lang mga akademikong Filipino ang nakasalamuha ko.

Mayroon din akong nakilalang mga Hapon na nagpapakadalubhasa sa Philippine studies. Marami sa kanila ang bihasa sa wika at kulturang Filipino.

Dahil dito, napaisip ako. Gaano na nga ba kalalim ang ugnayang Pilipinas at Japan?

Image

The author presenting his research paper in the 4th PSCJ and later enjoying a tour of Japan

 

Maikling kasaysayan

Masalimuot ang kasaysayan ng Pilipinas at Japan. Sa kalagitnaan ng World War II ay sinakop ng mga pwersang Hapon ang bansa at tumagal ito mula 1942 hanggang 1945.

Ang pananakop ng Japan ay nagdulot ng maraming trahedya sa bansa. Libu-libong Pilipino ang nagbuwis ng buhay, kasama na ang mga sundalong nadamay sa Death March.

Ang Maynila rin ang ikalawang pinakamatinding napinsalang kabisera noong WWII.

Kaalinsabay ng pagtatapos ng giyera ay ang pagbangon ng Japan at ang pagsisikap nitong ayusin ang nasirang relasyon sa mga karatig bansa sa Asya, kasama na ang Pilipinas.

Bagaman marami pa ring isyung dulot ng digmaan na hindi pa nareresolba sa pagitan ng dalawang bansa, gaya na lamang ng isyu sa comfort women, ay masasabing naging mas maayos ang relasyong Pilipinas-Japan pagkatapos ng digmaan.

Ang banta ng komunismo noong Cold War at ang pag-usbong ng banta ng China nitong mga nakaraang taon ay naging mga salik din para lalo pang paigtingin  ang ugnayang ito.

Katunayan, ayon sa isang survey ng Pew Research noong 2015, mga Pilipino ang ikatlong may pinakapaborableng pagtingin sa mga Hapon, sunod sa Malaysia at Vietnam. Ikumpara yan sa South Korea at China na kapareho nating nasakop ng Japan.

figure-1x.png

Figure 1.  How Asians view each other

Source: Pew Research Center. Spring 2015 Global Attitudes Survey.

 

Ugnayang pangkalakalan

Hindi maikakailang isa ang Japan sa mga bansang may pinakamalaking ambag sa ating ekonomiya hanggang sa kasalukuyan.

Pagdating sa kalakalan, nanatiling isa sa pinakamalaking trade partner natin ang Japan.

Base sa datos ng PSA noong 2016, Japan ang pangunahing destinasyon ng ating exports. Ang halaga ay umabot sa 11.7 bilyong USD o katumbas ng humigit 20% ng kabuuang exports.

Figure 2.1XFigure 2.2X

Figure 2. Major Trading Partners of the Philippines (in billion USD) in 2016

Source: PSA. 2018

Samantala, ikalawa naman ang Japan na pinakamalaking pinanggagalingan ng ating imports na umabot sa 9.9 bilyong USD, o 12% ng kabuuan.

Makikita sa ibaba ang paglago ng bahagdan ng kalakalan ng Japan at Pilipinas mula 2010 hanggang 2017.

Figure 3X

Figure 3. Share of Philippine Exports to and Imports from Japan

Source: PSA. 2018

PJEPA

Ang matibay na ugnayang pangkalakalan natin ay bunsod na rin ng pagpirma at pagratipika natin sa Philippine-Japan Economic Partnership Agreement o PJEPA noong 2008. Sa kasalukuyan, ito lamang ang nag-iisang komprehensibong bilateral trade agreement ng Pilipinas.

Karamihan kasi ng ating iba pang trade agreements ay sa pamamagitan na ng ASEAN, kung saan kasapi tayong bansa.

Dahil sa PJEPA ay mas madali tayong nakaangkat at nakakaluwas ng mga produkto sa Japan.

Pangunahin na rito ang mga pagkain, raw materials, at produktong elektroniko. Saging ang pangunahin nating ineexport.

Katunayan, 80% ng binebentang saging sa Japan ay galing sa Pilipinas.

Foreign Direct Investment

Bukod sa trade, malaki rin ang pumapasok na puhunan mula sa Japan sa pamamagitan ng foreign direct investment (FDI).

Noong 2017, Japan ang pinakamalaking pinanggalingan ng dayuhang kapital. Umabot ito sa 32 bilyong piso o katumbas ng 30.3% ng kabuuang foreign investment.

Figure 4X.png

Figure 5. Distribution of Approved Foreign Invesment by Source Country

Source: PSA.2017. Foreign Investments.

Base rin sa datos, lumago ang investments mula sa Japan ng 18.2% kumpara noong 2016.

Foreign Loans at Official Aid

Malaki rin ang ambag ng Japan pagdating sa mga donasyon at pautang. Ayon sa tala ng NEDA, Japan pa rin ang pangunahing pinagkukunan natin ng official development assistance o ODA.

Mahigit 40% ng kabuuang halaga ng ODA na natanggap natin hanggang sa unang bahagi ng 2018 ay galing sa mga Hapon. Sa kabuuang 15.2 bilyon na natanggap na tulong, 6.1 bilyong dolyar ang galing sa Japan.

Figure 5X

Figure 5. Official Development Assistance by Fund Source (billion USD)

Source: NEDA (As of June 2018)

Kung matatandaan, ang SCTEX at TPLEX ay naipatayo gamit ang pautang mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA), ang opisyal na tagapamahala ng pautang at tulong ng Japan.

Maraming pang imprastraktura sa Pilipinas ang naipatayo sa tulong ng mga pautang galing JICA.

Di hamak na mas mababa rin ang sinisingil nitong interes kumpara sa mga loans galing sa ibang mga bansa, tulad ng China.

Iba pang aspeto

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 243,662 ang mga Filipinong naninirahan sa Japan, samantalang nasa 16,977 ang mga Japanese nationals na nasa bansa.

Marami ring mga turistang Hapon ang bumibisita sa Pilipinas taun-taon.

Bukod sa ugnayang ekonomiko, marami pang aspeto sa relasyong Pilipinas at Japan ang maaring suriin.

Ang interesante pa nga, bawat administrasyon, kahit ano man ang kinikilingan (Tsina o Amerika) ay parating pinagsisikapang paigtingin ang ugnayan natin sa Japan.

Mistulang ngang kabalintunaan na ang dati nating mananakop ay isa na sa pinakamasugid nating kaalyado ngayon.

Subalit habang tinatamasa ang maraming benepisyo, hindi rin natin dapat isantabi ang mga aral ng kasaysayan.

 

Categories

Uncategorized

Rainier Ric B. de la Cruz View All

Rainier is an Assistant Professor of Economics at the Department of Economics and Political Science, University of the Philippines Baguio. He is currently a Ph.D. candidate in economics at the School of Economics, U.P. Diliman where he also obtained his master’s degree. He teaches econometrics, mathematical economics, macroeconomics, and monetary economics.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: