Skip to content

Dahil sa oil price rollbacks, bababa na ba ang inflation?

Ni Jefferson Arapoc

Article 2018-023

Tila isang bangungot para sa mga mamimili ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Nito lamang buwan ng Oktubre, nakapagtala tayo ng pinakamataas na inflation rate sa loob ng higit siyam na taon. (BASAHIN: Inflation noong Oktubre, good news nga ba?)

Isa sa mga itinuturong dahilan nito ay ang pagtaas ng oil prices sa pandaigdigang merkado.

Subalit sa nakalipas na pitong lingo, naging laman ng mga pahayagan ang sunod-sunod na pag-rollback sa presyo ng langis. Sa katunayan, umabot na sa higit sampung piso (P10) ang ibinaba ng presyo ng gasolina, at higit walong piso (P8) naman ang sa diesel.

Pero bakit nga ba bumabagsak ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado?

Supply at demand (ulit)

Isa sa mga dahilan ng pagbagsak sa presyo nito ay ang mataas na produksyon ng langis sa mga bansang miyembro ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC)—gaya na lamang ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Libya, at Qatar.

Bukod dito, naging mataas rin ang produksyon ng ilang bansang hindi miyembro ng OPEC, gaya ng Russia at United States. (See Figure 1)

Countries oil
Figure 1: Mga bansang may mataas na produksiyon ng langis.

Bukod sa overproduction ng langis, isa rin sa mga itinuturong sanhi ng pagbagsak ng presyo nito ay ang pagbagal sa paglago ng ekonomiya ng mga bansang malakas kumunsumo ng langis—gaya ng Europe, Japan, at China.

Ang malalam na ekonomiya ay senyales ng humihinang kalakaran sa isang bansa, na maaring magdulot ng mababang demand sa mga pangunahing sangkap sa produksyon, gaya nalamang ng langis.

Samakatuwid, ang mataas na supply ng langis, kasabay ng bumababang demand para dito ay ang pangunahing dahilan ng bumababang presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado. (See Figure 2)

46755199_344135429473003_2549116210331516928_n
Figure 2: Paggalaw ng demand at supply sa presyo ng langis

May mabuting epekto ba ito?

Kung pagbabasihan natin ang teorya sa economics, maraming magiging mabuting epekto ang patuloy na pagbagsak ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Bilang isang pangunahing input na gingamit sa iba’t-ibang sektor ng ating ekonomiya, ang mababang presyo ng langis ay magdudulot ng mas murang singil sa kuryente, pati na rin ang mas mataas na kita ng ating mga tsuper.

Magiging sanhi rin ito ng mas masiglang kalakalan sapagkat nagiging mas mura ang pagluwas ng mga produkto sa iba’t-ibang panig ng ating bansa.

Nangangahulugan lamang na ang pagbaba ng presyo ng langis ay maaaring makapagpababa ng ating mataas na inflation rate.

Subalit dapat rin nating tandaan na ang posibleng pagbaba ng inflation rate ay hindi agad magdudulot ng pagbaba ng presyo ng mga bilihin.

Tandaan na ang inflation ay sukat ng pagtaas ng general prices. Hanggat positibo ang inflation rate, asahang tumataas pa rin ito. Ang pagbaba ng inflation rate ay nangangahulugan na bumabagal lamang ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. (BASAHIN: Ano ang katotohanan sa inflation?)

Kapag negatibo na ang naitalang inflation rate, doon lamang natin masasabing bumababa na ang general prices, o mas kilala bilang deflation.

Pero bakit nga ba hindi agad sumusunod ang presyo ng mga bilihin sa tuloy-tuloy na pagbagsak ng presyo ng langis?

Una, dapat nating maunawaan na hindi lang naman presyo ng langis ang may direktang epekto sa inflation.

Marami pang salik ang maaaring makaapekto dito, gaya nalamang ng mababang produksiyon sa sektor ng agrikultura at ang patuloy na pagragasa ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law—o mas kilala sa tawag na TRAIN Law.

Pangalawa, kahit na sunod-sunod ang pagbaba sa presyo ng langis, patuloy pa ring mataas ang pamasahe, bilang hindi ganoon kadaling bawiin ang mga polisiyang naipatupad na ng gobyerno, gaya nalamang ng fare hike.

Panghuli, nalalapit na ang Pasko at Bagong Taon. Kung pagbabatayan kasi natin ang mga nakalipas na datos sa inflation, tumataas talaga ang presyo ng mga bilihin tuwing sasapit ang Kapaskuhan dahil sa mataas na demand. Ito kasi ang panahon kung saan pinakamataas ang pagkunsumo ng mga tao.

Sa ngayon, masasabi nating malaki talaga ang tulong ng pagbaba ng presyo ng langis, lalong lalo na sa ating mga motorista.

Nawa’y magtuloy-tuloy pa ang pagbaba nito sapagkat hindi pa natin sigurado kung tuluyan na nga bang aalisin ng gobyerno ang dagdag buwis sa gasolina—o excise tax—sa susunod na taon.

Pag magkataon, magiging magandang Christmas gift ito sa milyon-milyong Pilipino ngayong 2018.

Jefferson Arapoc View All

Jefferson Arapoc is a Ph.D. candidate at the University of Newcastle, Australia and an Assistant Professor at U.P. Los Banos. His research interests include topics on behavioral, experimental, and institutional economics.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: