Ni Marianne Joy Vital

Article 2018-21

Dahil sa nakaraang ASEAN summit, naisip kong gumawa ng article upang talakayin ang kalagayan ng ekonomiya ng ating mga karatig bansa. Marami rin kasi tayong mapupulot mula sa kanilang karanasan na maaari nating i-relate gamit ang mga natutunan natin sa mga nakaraang article.

Bagamat kinikilala na sa buong daigdig ang bilis ng paglago ng ekonomiya ng ASEAN, isa sa mga pinakaabangang bansaat tinuturingang susunod na tigre ng Asyaay ang Viet Nam. Tinuturing na himala (“the Viet Nam Miracle”) ang bilis ng pagangat nito mula sa isa mga pinakamahirap na bansa 30 taon nang nakalipas.

Ang nakaraan ng Viet Nam

Bago natin maunawaan ang kasalukuyang pagunlad ng Viet Nam, balikan natin ang nakaraan nito.

Noong 1975, nakalaya ang Viet Nam mula sa 20 taong giyera na nagdulot ng mababang produksyon ng ekonomiya, bumubulusok na inflation, lumolobong utang na pambansa, at matinding kahirapan.

Taong 1986 nang inilunsad ng gobyerno ang repormang Doi Moi na naglayong buksan ang ekonomiya sa pribadong sektor. Naging socialist-oriented market economy ang Viet Nam, kung saan ang gobyerno ang taga-plano ng produksyon at distribusyon ng ekonomiya. Ngunit kinilala pa rin nito ang importansya ng pribadong sektor upang palaguin ang industriya.

Kabilang sa mga polisiyang ipinatupad ay ang pagtanggal ng mga hadlang sa kalakaran; pag-relax ng regulasyon ng paggalaw ng pera, produkto, at tao; pagsasaayos ng burokrasya; at pag-ayos ng tax system.

Isa rin sa pinakamahalagang reporma ay ang mga batas na naglayong humikayat ng puhunan o foreign direct investment mula sa ibang bansa.

Susunod na Tigre ng Southeast Asia

Tinuturing na susunod na “tigre” ng Southeast Asia ang Viet Nam, kasunod sa yapak ng China.

Isang pagkakaparehas ay ang lumalaking partisipasyon ng Viet Nam sa pandaigdigang na kalakalan. Makikita sa datos na ang laki ng exports ng Viet Nam ay halos kasing-laki ng gross domestic product o pambansang kita nito (Figure 1).  Samakatuwid, kasing laki ng kita mula sa pag-export ng Viet Nam ang kabuuang kita nito.

Fig 1. Exports as percent of GDP
Figure 1: Porsiyento ng exports sa GDP ng ASEAN countries.

MMR = Myanmar; IDN = Indonesia; PHL = Philippines; LAO = Lao PDR; KHM = Cambodia; VNM = Viet Nam; MYS = Malaysia; THA = Thailand; BRN = Brunei Darussalam; SGP = Singapore.

Source: World Development Indicators, World Bank, accessed 19 November 2018.

 

Ayon sa World Economic Forum, nakatulong ang mga reporma at ang pag-invest ng gobyerno sa imprastrakturalalo na pagdating sa information and communications technology (ICT)sa paghikayat sa mga malalaking kumpanya na mamuhunan sa Viet Nam.

Sa katunayan, karamihan sa mga kumpanyang ito ay dating malaki ang operasyon sa China, tulad ng Samsung, Nokia, at Nike.

Ngunit dahil sa lalong pagtaas ng sahuran ng China, mas nagiging kaakit-akit para sa mga kumpanya na lumipat sa Viet Nam upang mapababa ang gastusin sa produksyon.

Ang kasalukuyang trade war ng US at China ay lalo ring nagbibigay ng rason upang tignan ang Viet Nam bilang alternatibo sa China.

Malayo pa rin ang tatahakin

Sa ngayon, ang pagunlad ng Viet Nam ay isa sa mga pinakamabilis sa Asya. Makukumpara ang bilis nito sa Pilipinas lalo na nung mga nakaraang taon (Figure 2).

 

Fig 2. GDP growth
Figure 2: GDP growth of selected ASEAN countries, 2010 to 2017

Source: World Development Indicators, World Bank, accessed 19 November 2018.

Ngunit kung titignan ang GDP per capita income—o ang hati ng bawat mamamayan sa kita ng bansa (Figure 3)malayo pa ang kailangang lakbayan ng Viet Nam kumpara sa iba pang mga karatig bansa sa Southeast Asia.

Kung patuloy ang pagtaas ng ekonomiya ng Viet Nam, mas mabilis din nitong makakamit ang pagunlad, gaya ng mga bansang Thailand, Malaysia, Brunei, at Singapore. 

Kailangan ding matulungan ang mga maliliit na lokal na kumpanya, lalo na’t naka-depende pa rin ang ekonomiya sa mga malalaking kumpanya at mga state-owned enterprises o mga korporasyong pagmamay-ari ng gobyerno. 

Fig 3. GDP per capita
Figure 3: GDP per capita, 1990 and 2017

Source: World Development Indicators, World Bank, accessed 19 November 2018.

 

Ang himala ng Viet Nam ay isang magandang halimbawa kung paano nakakatulong sa kaunlaran ng isang bansa ang pagkakaroon ng magagandang polisiya ng gobyerno. 

Kayo — ano sa tingin niyo ang mga aral na maaaring mapulot ng Pilipinas mula sa mabilis na pagunlad ng Viet Nam?

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s