Ni Jefferson Arapoc
Nakakapagod na ang makarinig ng mga bad news patungkol sa ating ekonomiya—gaya na lamang ng pagtaas ng inflation o ang pagbagsak ng halaga ng piso kontra dolyar.
Kaya naman refreshing talagang makabasa ng magagandang balita, tulad ng pagbaba ng ating unemployment rate.
Ayon kasi sa Philippine Statistical Authority (PSA), bumaba ang ating unemployment rate nitong nakaraang Hulyo sa 5.4%, mula sa 5.6% noong nakaraang taon.
Good news ba ang pagbaba ng unemployment rate?
Sa isang banda, good news ito dahil nangangahulugan lamang na bumaba ang bilang ng mga taong hindi makahanap ng trabaho.
Ayon sa ating NEDA Secretary na si Ernesto M. Pernia, ito na ang pinakamababang July unemployment rate sa halos nakaraang sampung taon.
Ngunit kasabay ng pagbaba ng unemployment rate, ay bumababa rin ang labor force participation sa ating bansa.
Ang labor force ay binubuo ng mga taong edad 15 years old pataas na aktibong nagtatrabaho (employed) at walang trabaho subalit aktibong naghahanap nito (unemployed).
Halimbawa, kung ikaw ay isang fresh college graduate at nagdesisiyon munang tumambay sa bahay niyo, hindi ka pa maituturing na parte ng labor force sapagkat pinili mong hindi pa maghanap ng trabaho. Ibig sabihin, hindi ka rin maaaring matawag na unemployed kahit na wala kang ginawa sa bahay kundi mag-Facebook at mag-Twitter.
Subalit kung nagsimula ka nang gumawa ng account sa Jobstreet o LinkedIn, kasabay ng pagpapasa ng resumè mo sa iba’t-ibang kumpanya, hudyat ito na nagsimula ka ng maging parte ng labor force. At habang hindi ka pa nakakahanap ng trabaho, ikaw ay maituturing ng unemployed.
Makikita sa Figure 1 ang relasyon ng employed at unemployed sa kabuoang populasyon ng bansa.

Samakatuwid, ang mga taong walang trabaho na hindi rin naman aktibo sa paghahanap nito, ay hindi maituturing na unemployed.
Kaya kapag bumababa ang unemployment rate, hindi ito agad nangangahulugang umoonti ang walang trabaho; bagkus, umoonti lang ang mga taong hindi makahanap ng trabaho.
Sa madaling salita, maaaring bumaba ang unemployment rate kahit na tumataas ang bilang ng mga taong wala naman talagang balak magtrabaho.
Pagtaas ng bilang ng mga taong hindi kasama sa labor force
Sa kasalukuyan, kahit na bumababa ang unemployment rate, makikita nating bahagya ring bumaba ang ating labor force participation rate (LFPR).
Ito ay ang porsiyento ng mga taong aktibong nagtatrabaho o naghahanap ng trabaho kumpara sa kabuuang populasyon ng isang bansa.
Noong nakaraang quarter, nakapagtala tayo ng 60.9% na LFPR. Ito ay mas mababa sa naitalang 61.4% noong nakaraang taon.
Maganda sana kung bumababa ang ating unemployment rate kasabay ng pagtaas ng LFPR. Nangangahulugan kasi ito na bukod sa dumarami ang nagkakatrabaho, nababawasan din ang bilang ng populasyon na hindi gaanong kaproduktibo—gaya na lamang ng mga tambay.
Sa kabilang banda, hindi naman maganda ang parehong pagbaba ng unemployment rate at LFPR. Maaari kasing hudyat ito na tumataas ang bilang ng mga taong sumuko na sa paghahanap ng trabaho.
Mataas na inflation at underemployment
Ayon din sa PSA, nagkaroon tayo ng bahagyang pagtaas sa ating underemployment rate. Noong nakaraang Hulyo, tumaas ito patungong 17.2%, mula 16.3% noong nakaraang taon.
Sa kasamaang palad, ang pagtaas ng underemployment rate ay maituturing naman nating bad news. Sinusukat kasi nito ang dami ng taong meron ng trabaho subalit patuloy pa ring naghahanap ng dagdag na pagkakakitaan.
Halimbawa, kung ikaw ay isang highschool teacher na naghahanap pa ng ibang pagkakakitaan—gaya na lamang ng possibleng pagbebenta ng Herbalife o USANA—dahil nakukulangan ka sa iyong kinikita, isa ka sa mga tinatawag na underemployed.
Maraming posibleng dahilan kung bakit tumataas ang underemployment ng isang bansa.
Isa na diyan ang pagbaba ng halaga ng sahod dahil sa mataas na inflation (BASAHIN: Ano ang katotohanan sa inflation?). Habang tumataas kasi ang presyo ng bilihin ay kumakaunti ang kayang mabili ng perang sinasahod ng mga manggagawa.
Samakatuwid, napipilitan silang maghanap ng dagdag na mapagkakatian upang mapataas ang kanilang purchasing power o ang kanilang kakayahang bumili ng mga produkto.
Ano ang magagawa ng goberyno?
Sa ngayon, may nakahaing panukalang batas na makapagbibigay di umano ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino. (BASAHIN: TRAIN 2: Dapat nga ba tayong mabahala sa pagharurot nito?)
Subalit upang patuloy na bumaba ang unemployment rate, kailangang matiyak ng ating gobyerno na lilikha ito ng mas maraming trabaho kaysa sisirain nito.
Samantala, kaakibat ng Build Build Build program ang Jobs Jobs Jobs, sapagkat inaasahan na magbibigay daan ito sa masiglang kalakalan sa bansa.
Bukod dito, mainam ring maawat o mapiligan ang mabilis na pagtaas ng presyo ng ating mga bilihin na direktang may epekto sa ating mga manggagawa.
Ilan lamang ito ang mga bagay na dapat tutukan ng ating gobyerno upang mas mapausbong pa ang ating labor market.
gobyerno
Tagalog
Etymology
From Spanish gobierno.
Noun
gobyerno
government
LikeLike
Nicd read
LikeLike